Another Filipino Poem. Guess what it's about!
Sa Dulo ng Mundo
Doon, malamig at kalmado ang hangin
Walang damdamin na kailangan pansinin
Walang problema na kailangan isipin
Wag magalinlangan, sumama ka sa ’min
Wala ring taong mahirap o mayaman
Pantay lahat sa ating pupuntahan
Halika at sumali, wag kang lumaban
Walang bawal sumama sa aming daan
Lahat ng tao ay mapupunta roon
Hindi na maibabalik ang kahapon
Tadhana nila ang sa lugar na iyon
Araw ng kanilang paghusga ay ngayon
Ang araw dito ay hindi sumisikat
Mga lihim nito hindi kumakalat
Walang problema dahil problema’y wala
Ang kanilang buhay babalik sa lupa
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment