Thursday, November 27, 2008

Yet another filipino poem. This time it's free verse though, and it's still a draft since Sir Jogon still has to check it. I'll probably go through 2 more edits.

Kuntento
Wala akong dahilan na maging malungkot
Umagang umaga pa lang at maliwanag ang araw
Walang masamang taong sumisipot
Naglalakad lang ako sa sariling kong isipan

Tinutukso ako ng mga nakikita ko
Bumubulong sila sa aking tenga
Parang isang mahirap sa bahay ng mayaman
Sa bahay ng isang abogado
Sa bahay ng isang presidente
Lahat ng kagamitan ay nakikita
Naiingit, napapaisip na lagi nalang ganito

Gusto ko ng masmaliwanag na araw
Na hindi ko na makita ang sarili ko
Ang mga ulap ay masyadong maputi para sakin
Uulan rin mamaya
Uulan kahit anong gawin natin
Babagyo kahit anong gawin natin

Nahuhulog ako sa sarili kong kasuwapangan
Nalulunod ako sa maalat na kape

Yet again more gibberish from Joaq. I wonder if there's some planet out there where my poetry is actually not gibberish and is good. I'd love to visit that place someday. Or maybe some alternate universe where I'm a super genius. That would be fun.

No comments: