Monday, November 10, 2008

Filipino Poem

I made this poem for Filipino class as a requirement. I was never really good at making poems and I always use random gibberish as a topic. This random gibberish is particularly emo-ish, not that I was emo when I wrote this, its just fairly easy to write sad things.

Dumidilim

Ilang oras na akong nakatunganga?
Wala akong magawa, nakatulala
Lumulubog ang araw sa‘king bintana
Lumalabas ang buwan at dumidilim na


Hindi ko naiintidihan kung bakit,
Ang aking puso ay lalong sumasakit
Ang aking lalamunan ay naiipit
Ganito ba dahil ako’y naiinggit?


Kahit alam ko na mahirap tanggapin
Hindi ko napipigilan ang damdamin
Kinakamusta na ako ng bituin
Tinutukso ako ng lamig ng hangin


Kahit anong gawin ko, anumang asa
Walang magbabago sa mga planeta
Gusto ng puso ko ng katahimikan
Ibibigay ba ito ng kalawakan?

See? Emo.

No comments: